Ang Nanay Kong Iniibig
Marlyn Lumisod, Daweg D
Ang nanay kong iniibig ay masipag at mabait,
Masaya siyang umaawit kung siya ay naglilinis.
Araw-gabi nagdarasal sa Diyos na aming mahal,
“Anak ko po’ng nag-aaral, matuto ng kabaitan.”
Oo, ina kong iniibig, ikaw po ang tanging langit
Naniniwala at marikit ang lahat ng aking panaginip.
Ako Ay Isang Estudyante
ni Mary Jane Sagula, Daweg E
Ako ay isang estudyante.
O kay sarap maging estudyante!
Paggising sa umaga,
Maglinis ng katawan,
Kumain ng mabuti para malakas,
Para pumunta sa paaralan.
Pagdating sa paaralan,
Maglaro kasama ang mga kaibigan,
Minsan nagtatawanan, nag joke-joke-an pa,
At sumusunod sa mga utos ng mga guro.
Pag nagtime na pumasok na kami
Para mag-aral ng mabuti
Sa maestra’y makinig upang matuto.
Kapag uwian na kami ay umuwi na,
Pagdating sa bahay, maglilinis ng bakuran,
Gagawin ang mga takdang aralin,
Mag-aaral din sa aming mga liksyun.
Walang Pamagat
Arlyn S. Lumihay, Daweg E
Ako ay nagpunta sa gubat.
Masayang-masaya ako na pumunta sa gubat.
Gusto kong umakyat sa puno para
pumitas ng bungang-kahoy.
Nang ako’y naglalakad, nakita ko ang pugad ng ibon.
Gusto kong kunin pero mataas ang punong kahoy na doon ang pugad.
Napakasarap ng hangin na hinihinga ko.
Nakarating ako sa ilog, naligo ako, at pagkatapos kong naligo umuwi na ako sa aming bahay.