Elda T. Almahan, Daweg E:
Ang aking pag-aaral sa Bulonay ay hindi maganda dahil palagi lang ako humihinto sa pag-aaral dahil wala akong dalang pagkain. Noong humihingi ako ng pagkain sa aking ina ay sinasabihan niya lang ako na “Wala tayong pagkain, anak, dahil naubos na kahapon sa ating mga bisita.” Marami raw kaming bisita ng galing sa Maasam.
Ang aking baiting ngayon ay 5, dahil huminto ako sa pag-aaral ko sa Bulonay ng limang taon dahil hindi talaga maganda ang kalagayan ng aking pag-aaral. Pero ngayon na nag-aaral na ako sa APC, maganda naman ang aking kalagayan sa buhay, pero mayroon din mahirap dahil malayo ako sa aking kamag-anak. Masaya naman ako, pero minsan malungkot ako kapag iniisip ko ang aking pamilya.
(My studies in Bulonay were not consistent, I would always stop because we didn’t have any food for me to bring to school. When I asked my mother for food that I could bring, she would always tell me “We don’t have any more food left, we served it all to our visitors,” because we had a lot of visitors from Maasam.
I am just in Grade 5 now because I had to stop studying for 5 years. Now that I study in APC, my studies are more stable, and my life is easier, I have less worries. I am happy here, though sometimes I feel sad whenever I think of my family back home in Bulonay.)
Elmer L. Lipanda, Daweg E:
Ako ay nag-aaral sa APC. Ang pag-aaral ko sa APC ay maganda at masaya. Ako’y isang batang masipag at gustong-gusto kung makarating sa mataas na grade, at gusto kong magpatuloy sa pag-aaral sa APC. At pagkatapos, gusto ko pang mag-aral sa iba pang mga paaralan pero hindi ko pababayaan ang paaralan ng APC kasi ang mga teacher ay masipag at mabuting mag-turo.
Sila ang nagpalaki ng pag-aaral ko. Gustong-gusto ko ng mayroon sanang grade na mataas sa APC para doon na lang ako magpatuloy mag-aral, dahil wala akong kontribusyon na pera at hindi matapang ang mga teacher.
(I study at APC. My studies here have been going great and I am happy here. I work hard because I want to go on to higher grades, and finish my studies here. After that, I want to study in high school, but I’ll never forget about APC because the teachers here are kind and they teach us well. They are the ones who inspire me to keep studying. I’d really like to see APC offers higher grade levels, so that I can continue my studies here, because the teachers here are kind, and we don’t have to pay expensive fees.)
–